Just another WordPress weblog

Studio Cut


May J3J3-EP na!!!

Posted on September 01, 2010 by kankan

eEoWpFhUeEhsxz!! So arte u magtext ba?? Mahilig ka bang mag-laro ng spelling sa text messages mo? I-dobol check mo na dahil baka ‘di mo nano-notice na Jejemon ka na..J3j3j3!! =D

Isang sikat na phenomenon ngayon ang pagiging Jejemon. sila ang mga ka-tropa natin na mahilig magtext gamit ang kakaibang spelling sa mga salita gaya ng aQcKuHh na ang ibig sabihin ay me/ako, lAbqCkyOuHh which means I love you, “iMiszqcKyuH” para naman sa I miss you, at jAjaJa or jeJejE na ginagamit kapalit ng “hehehe.”

Kasabay ng jeje-phenomenon na kumakalat sa ating bansa, nag-release ang Warner Music Philippines ng kantang swak na swak para sa halakhak nating mga Pinoy para sa mga barkada nating Jejemon– entitled, anu pa kundi, “Jejemon”! Written and performed by Blanktape na siya ring nagpasikat ng mga novelty songs na Banana, Dulce Tirah Tirah at Chika Lang Yon, maaari mo na ring mapanuod ang music video ng Jejemon sa Top 20 hit charts ng MYX at sa Youtube na nakakalap na ng almost 40,000 views! Naibida na ni Blanktape ang kantang Jejemon sa iba’t ibang shows sa TV gaya ng sa Jojo A – TV 5, Master Showman – GMA 7, Party Pilipinas – GMA 7, Umagang Kayganda – ABS CBN, UnTV News – Interview with performance in PMPC “Stars For A Cause” mall show in SM North EDSA, at Full Time Moms sa QTV 11.

Para naman sa mga friends na proud to be Jejemon, pwede mo nang maging ringback tone ang Jejemon sa cellphone mo! I-text lang ang JEJEMON at i-send sa 5677! At kung solid Jejemon ka, bili ka na ng jeje-album - Jejemon!

Comments are closed.




↑ Top